Umaasa ang China na magpapatupad ng mga polisiya na pumapabor sa kanila ang susunod na pangulo ng Pilipinas at maging maayos ang bilateral relations ng dalawang bansa.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Hua Chunying, natural lamang na magkaroon ng ugnayan ang tsina at pilipinas dahil magkalapit bansa lamang ang mga ito.
Gayunman, aminado si Hua na nagkaroon ng lamat ang bilateral relations ng dalawang bansa dahil sa territorial dispute South China Sea o West Philippine Sea.
Ipinunto rin ng opisyal na ilang personalidad sa Pilipinas ang tila nagpapahiwatig ng kahalintulad na pananaw ng China upang magkaroon ng kapayapaan sa mga pinag-aagawang teritoryo.
By Ralph Obina