Pumalo na sa 220 ang nasawi dahil sa heat wave sa India.
Ayon sa ulat, nito lamang nagdaang dalawang linggo ay nasa 150 na ang binawian ng buhay dahil sa sobrang init ng panahon.
Itoy kung saan umakyat sa 47 degrees celsius ang temperaturang naitala sa Eastern Indian State na Odisha.
Maliban dito, malaking problema din sa India ang mabilis na pagbaba ng lebel ng tubig sa mga pangunahing water reservoir na nagdudulot ng kakapusan ng suplay sa tubig.
By Ralph Obina