Tinatamasa na umano ngayon ni ruling Liberal Party vice presidential Candidate Leni Robredo ang dating imposible.
Ito’y matapos manguna sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations o SWS sa halos 2,000 respondents mula Abril 18 hanggang 20.
Nakakuha si Robredo ng 26% na mas mataas ng 7 percent kumpara sa kanyang dating rating habang 25% naman ang nakuha ni Sen. Bongbong Marcos.
Ayon kay Robredo, kung nitong mga nakaraang buwan ay parang imposibleng mangibabaw sa survey, nangyayari na aniya ito ngayon.
Nilinaw ng kongresista na mahalaga sa kanila ang survey dahil nakikita nila kung saang aspeto ang dapat nila pagtuunan ng pansin.
By Jelbert Perdez