Pinalaya na rin ng rebeldeng New People’s Army o NPA ang isang sundalong binihag nito.
Ito’y matapos palayain na rin ng mga rebelde ang 5 pulis na dinukot din nito nitong Abril 21.
Kinilala ang sundalo na si Private First Class Edgardo Hilaga ng 7th Infantry Battalion na nakabase sa bayan ng Mlang sa North Cotabato.
Tulad ng unang limang bihag na pulis, isinuko rin ng NPA kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte si Hilaga sa bayan ng Tulunan.
Sinabi ni Duterte, pinakiusapan niya ang mga rebelde na huwag gumawa ng gulo lalo na’t panahon ngayon ng eleksyon.
By Jaymark Dagala