Tiniyak ni Energy Secretary Zenaida Monsada na mayroong sapat na suplay ng kuryente sa halalan sa Mayo 9.
Sa kanyang pagharap sa consultative hearing ng House Committee on Energy ngayong Miyerkules, sinabi ni Monsada na kumpyansa sila na walang mangyayaring power shortage sa election week.
Umaasa rin si Monsada na walang mangyayaring ‘forced outages’ na maaaring magresulta sa pagkakaroon ng problema sa power transmission.
Kaugnay nito, ipinabatid ni Cynthia Alabanza, tagapagsalita ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na sapat ang reserve outlook sa tatlong rehiyon sa bansa sa mismong araw ng eleksyon.
Ayon kay Alabanza, hindi bababa sa 2,200 megawatts ang reserba sa Luzon, 190 megawatts sa Visayas at 373 megawatts sa Mindanao.
By Meann Tanbio