Kinumpirma ng ama ng isa sa mga bihag ngayon ng Abu Sayyaf Group na nakausap niya ang kanyang anak.
Ayon kay Wong Chie Ming, ama ni Malaysian hostage Wong Teck Chi, tumawag sa kanya ang kanyang anak Sabado ng gabi at sinabi nito na nasa panganib ang buhay niya at ng iba pang hostages.
Humihingi aniya ng ransom money ang Abu Sayyaf at sinabing ibigay nila ito bago ang April 30 at kung hindi ito, lahat umano sila ay pupugutan.
Ang pag-uusap sa pagitan ni Wong at ng kanyang ama ay ini-record at naka-share sa social media sites tulad ng whats app, we chat at facebook.
Sinasabing nasa mahigit dalawang dosena ang hawak na hostages ng Abu Sayyaf, kabilang na ang apat na Malaysians.
By Meann Tanbio