Nangako si Senator Antonio Trillanes IV na magbibitiw siya bilang senador at iuurong ang kanyang kandidatura sa pagkabise-presidente.
Ito, ayon kay Trillanes, ay kapag hindi niya napatunayan ang kanyang alegasyon laban kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Kaugnay pa rin ito ng umano’y tagong pera ng alkalde na nagkakahalaga ng P211 million pesos at hindi idineklara sa kanyang 2014 SAL-N o Statement of Assets, Liabilities and Net worth.
Hinamon ni Trillanes si Duterte na magkita sila sa Lunes sa BPI para lumagda sa isang waiver upang mabusisi ang sinasabing bank accounts ng Davao City Mayor.
Maliban dito, nagbabala rin ang senador na pangungunahan ang pagpapatalsik o impeachment laban kay Duterte sakaling manalo ito bilang pangulo.
By Jelbert Perdez