Sumakabilang buhay na si dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.
Ayon sa pamilya Corona, ala-1:48 kaninang madaling araw nang pumanaw ang dating Chief Justice sa The Medical City matapos atakihin sa puso.
Dahil dito, ipinag-utos ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang ilagay sa half-mast simula ngayong araw na ito sa bandila ng bansa sa High Tribunal at sa lahat ng korte sa buong bansa.
Ang mga labi ni Corona ay nakalagak sa Heritage Park sa Taguig.
Si Corona, 67-taong gulang ay ika-23 naitalagang punong mahistrado ng Korte Suprema.
By Judith Larino | Bert Mozo (Patrol 3) | Courtesy: SC PIO