Umabot na sa 14 na miyembro ng Abu Sayyaf ang patay sa ikatlong araw na pambobomba ng militar sa balwarte ng mga bandido sa iba’t ibang bahagi ng Sulu.
Ito, ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, Col. Noel Detoyato, ay batay sa report na nakukuha ng militar sa ground partikular sa mga sibilyan.
Nasawi anya ang mga nasabing bandido sa pamamagitan ng aerial bombardment at artillery fire.
Unti-unti na anya nilang nakukubkob ang ilang kuta ng ASG sa Sulu na naging dahilan upang marekober ang pinaniniwalaang katawan ng canadian na si John Ridsdel.
Nilinaw naman ni Detoyato na walang engkwentro na naganap kaya’t walang casualty sa panig ng tropa ng pamahalaan dahil pag-atake lamang mula sa ere at kalupaan ang kanilang isinasagawa at malayo sa mismong target area na kanilang binobomba.
By Drew Nacino | Jonathan Andal (Patrol 31)