Kambal na trahedya ang pinangangambahang maranasan ng mga bansa sa Asya na lugmok ngayon dahil sa tagtuyot na dala ng El Niño.
Ayon kay Stephen O’brien, Undersecretary General for Humanitarian Affairs and Relief ng United Nations, kalimitang sumusunod agad sa e El Niño ang La Niña o abnormal nang pag-ulan.
Kapag nangyari anya ito, hindi malayo ang mga malalaking pagbaha na lalong maglulugmok sa mga magsasaka na ngayon ay halos wala nang makain dahil sa tagtuyot na dala naman ng El Niño.
Sinabi ni O’brien na sa kasalukuyan ay tinatayang 60 milyon katao na sa iba’t ibang panig ng mundo lalo na sa Africa ang nangangailangan ng agarang tulong dahil sa trahedyang dala ng tagtuyot.
Batay sa naging pagtaya ng IHS Global Insight, ang lugi sa ekonomiya sa Southeast Asia dahil sa tagtuyot ay posibleng pumalo sa 10 bilyong dolyar.
By Len Aguirre