Idineklara na ang gastroenteritis outbreak sa Zamboanga City.
Ito ay makaraang sumampa na sa lima ang nasawi dulot ng norovirus.
Ayon kay City Health Officer Dr. Rodel Agbulos, kanya nang inatasan ang mga kaukulang ahensya na magsagawa ng proactive measures upang tuluyang masawata ang naturang sakit.
Payo ng ni Agbulos, tamang paghuhugas ng kamay at malinis na pangangatawan ang isa sa mga pinakamabisang panlaban sa pagkalat ng norovirus.
Batay sa tala ng City Health Office ng Zamboanga, papalo na sa 813 kaso ng acute gastroenteritis na dulot ng norovirus ang naitala sa lungsod.
By Ralph Obina