Inilabas na ang resulta ng 2015 bar exams matapos mapagpasyahan ng en banc ang passing percentage at mai-decode ang mga text booklets ng mga kumuha ng pagsusulit.
Sa kabuuang 1,731 na pumasa nanguna si Rachel Angeli Miranda mula sa University of the Philippines na nakakuha ng 87.40%.
Ilan pa sa pasok sa top 10 ay sina:
2. Athena Plaza, University of San Carlos–87.25%
3. Jayson Aguilar, UP–86.75%
4. Reginald Arceo, Ateneo–86.70%
5. Mandy Therese Anderson, Ateneo–86.15%
6. Giselle Hernandez, UP–86.10%
7. Darniel Bustamante, San Beda–85.90%
8. Jecca Jacildo, Univ. of San Carlos–85.85%
Soraya Laut, Xavier University
Jericho Tiu, Ateneo
9. Jedd Brian Hernandez, UP–85.80%
10. Ronel Buenaventura, Bulacan State University–85.75%
Lara Carmela Fernando, San Beda–85.75%
Tinatayang nasa 6,000 ang kumuha ng bar exam sa loob ng 4 na linggo ng Nobyembre noong isang taon sa University of Sto. Tomas.
Ito na ayon sa Office of the Bar Confidant ang pinakamaraming bilang ng mga bar candidates sa loob ng 4 na taon.
Sakaling hindi makita ang pangalan ng isang bar examinee, maaari pa ring makita ang buong listahan sa website ng Supreme Court na sc.judiciary.gov.ph
By Jaymark Dagala