Inakusahan ng vote buying ni senatorial aspirant Greco Belgica ang dalawang presidential hopefuls na sina LP standard bearer Mar Roxas at Senadora Grace Poe.
Ayon kay Belgica, nakatakda niyang kasuhan ang dalawang presidentiables sa tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC).
Sinabi ni Belgica na ang pamimili ng boto ay maituturing ding pagnanakaw sa gobyerno na dapat aniyang mahinto.
Gayunman, bigo naman si Belgica na idetalye ang akusasyon nitong vote buying laban kina Roxas at Poe.
Matatandaang si Belgica ang lead petitioner ng pork barrel system sa Korte Suprema at siyang Chairman ng Reform Coalition Philippines.
By Ralph Obina