Magpapatupad ng malawakang tanggalan sa trabaho ang isa sa malaking kumpanya sa Saudi Arabia.
Ayon sa ulat, nasa mahigit 77,000 foreign workers ang mawawalan ng trabaho sa kumpanyang Saudi Binladin Group.
Ang naturang tanggalan sa trabaho ay dulot umano ng nararanasang krisis sa langis sa Saudi at sanction na ipinataw ng gobyerno ng Saudi dahil sa kinasangkutang crane accident sa Mecca ng naturang kumpanya.
Ang Saudi Binladen Group ay itinatag ng ama ng napatay na Al-Qaeda leader na si Osama Bin Laden, 80 taon na ang nakalilipas.
By Ralph Obina
Photo Credit: Faisal Al Nasser/Reuters