Ipinahiwatig ni Top Rank promoter Bob Arum ang posibilidad ng muling paghaharap nila undefeated American boxer Floyd Mayweather Jr. at People’s Champ Manny Pacquiao.
Ito’y kahit pa kapwa inihayag na ng dalawang boksingero ang kanilang pagreretiro matapos ang mga huli nilang laban.
Ginawa ni Arum ang pahayag kasunod ng naging panayam kay Mayweather ng showtime ng CBS na bukas ito na bumalik sa boxing ring kung may malaking premyo ang nakataya rito.
Magugunitang hindi pinalad si Pacman sa huling paghaharap nila ni Mayweather na umani ng pagkadismaya sa mga tagasuporta nito.
By Jaymark Dagala