Nanganganib na mauwi sa mano-mano ang canvassing ng boto para sa pangulo at pangalawang pangulo.
Ito ayon kay House Majority Leader Neptali Gonzales ay kung mabibigo ang Commission on Elections (COMELEC) na i-reprogram ang mga makina na gagamitin nila sa canvassing ng mga boto.
Sinabi ni Gonzales na ang mga makina dinala ng COMELEC sa House of Representatives para sa national canvassing ay walang kakayahang magbasa ng city at provincial certificate of canvass.
Nadiskubre umano ang problema nang simulan ang final testing at sealing ng mga makina para sa national canvassing na sisimula sa Mayo 25.
Una rito, sinasabing binago ng COMELEC ang panuntunan sa canvassing at ginawang regional ang paghahanda ng certificate of canvass sa halip na provincial na syang nakasanayan na tuwing eleksyon.
By Len Aguirre