Nananatiling tikom ang bibig ng pamunuan ng religious group na Iglesia ni Cristo (INC) sa kung kaninong kamay ang kanilang itataas para sa pagkapangulo at pangalawang pangulo ngayong darating na eleksyon.
Gayunman, sinasabing hati ang mga miyembro ng INC sa kung sino sa mga kandidato ang kanilang susuportahan.
Ito’y makaraang lumabas sa ulat ng pahayagang Inquirer ang pahayag ng itiniwalag na ministro na si Joy Yuson na hindi sila tatalima sa kung sinuman ang ie-endorso ng pamunuan.
Una nang inihayag ng ni Bro. Edwil Zabala, tagapagsalita ng INC na wala nang kapangyarihan o impluwesya sa loob ng kapatiran ang lahat ng mga itiniwalag nilang ministro.
Inaasahan namang ilalabas ng INC kung sino ang kanilang susuportahan sa pamamagitan ng sample ballot pagkatapos ng kanilang pagsamba bukas, araw ng Huwebes o sa araw ng Linggo.
By Jaymark Dagala