Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na handa na sila para sa araw ng halalan sa Lunes, Mayo 9.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, bagaman patuloy silang inuulan ng batikos ay pinagtutuunan nila ng pansin ang lahat ng aspeto para sa isang maayos at malinis na eleksyon.
Aminado si Bautista na pinakamalaking hamon para sa kanila ang pag-iimprenta ng mga resibo at kung paano ito makaaapekto sa botohan.
Sa kabila nito, wala naman anya silang nakikitang malaking balakid sa mismong araw ng halalan.
By Drew Nacino