Halos 100% nang kumpleto ang deployment ng mga sundalo sa buong bansa bilang paghahanda sa 2016 elections sa Lunes.
Sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hinigpitan pa ng mga sundalo ang kanilang checkpoint sa mga election hot spot area.
Bahagi ito ng pinaigting na monitoring ng AFP laban sa mga grupong nagbabalak na guluhin ang magaganap na halalan sa Mayo 9.
Sinabi ni AFP Spokesman Padilla, isasailalim na rin sa full alert ang kanilang hanay sa mga susunod na araw.
By Mariboy Ysibido