Nanguna rin si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa survey ng The Standard poll, 4 na araw bago ang May 9 elections.
Sa 3,000 respondents, nakakuha ng 32 percent si Duterte; statistically tied naman sina Senators Grace Poe na may 25 percent at dating Interior Secretary Mar Roxas, na nakakuha ng 22 percent.
Nananatili sa ika-apat na pwesto si Vice President Jejomar Binay, 15 percent habang napako sa pagiging kulelat si Senator Miriam Santiago, 2 percent.
Saklaw ng survey period ang panahon na inakusahan ni Senador Antonio Trillanes ang alkalde na may itinatago umanong P211 million peso bank account sa BPI.
By Drew Nacino