Pinayagan ng 5th Division ng Sandiganbayan si Senador Jinggoy Estrada na makaboto sa kanyang baluwarte sa San Juan City.
Ito’y ayon 5th Division Clerk of Court Atty. Maria Teresa pagulayan, pinapayagang makaboto ang senador mula alas-11:00 ng umaga hanggang ala-1:00 lamang ng hapon sa Mayo 9.
Kasunod nito, inatasan din ng Sandiganbayan ang Pambansang Pulisya na maglatag ng kaukulang seguridad para sa magiging biyahe ng senador.
Kasalukuyang nakakulong sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame si Estrada na nahaharap sa kasong plunder at graft kaugnay ng multibilyong pisong pork barrel fund scam.
By Jaymark Dagala | Jill Resontoc (Patrol 7)