Gitgitan pa rin sa unang pwesto sila Senador Bongbong Marcos at Congresswoman Leni Robredo sa vice presidential race.
Napanatili ni Marcos ang pangunguna na nakakuha ng 29 percent sa pinakahuling Business World Social Weather Stations vice- presidential survey isang linggo bago ang halalan.
Statistically tied naman si Marcos kay Robredo na nakakuha ng 28 percent.
Umangat si Marcos ng apat na puntos mula sa dating rating samantalang 2 puntos naman ang iniangat ni Robredo.
Nasa pangatlong pwesto naman si Senador Chiz Escudero na nakakuha ng 15 percent.
Bumaba ng tatlong puntos si Escudero.
Bumaba din ng tatlong puntos si Senador Alan Peter Cayetano na nakakuha ng 13 percent.
Habang tig-tatatlong porsyento naman ang nakuha nila Senador Gringo Honasan at Antonio Trillanes IV.
Ginawa ang survey mula May 1 hanggang May 3 sa 1,800 registered voters na may margin of error na +- 2 points.
By Mariboy Ysibido