Patay ang 28 katao sa airstrikes sa camp housing ng Syria malapit sa Turkish border.
Ayon sa monitoring group, ang pag-atake ay naganap sa Northern Syria sa kabila ng pansamantalang tigil-putukan sa Aleppo City.
Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights, kabilang sa mga nasawi ay mga kababaihan at bata.
Maaari pa umanong tumaas ang bilang ng mga nasawi sa airstrikes, kung saan tinamaan ang isang camp para sa mga internally displaced malapit sa bayan ng Sarmada.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: Anadolu Agency/Getty Images