Nahaharap sa matinding kakulangan sa tubig ang malalaking syudad sa Pilipinas sa taong 2025.
Ito ang ibinabala ng European Chamber of Commerce of the Philippines o ECCP.
Ayon kay ECCP Vice President Henry Schumacher, ito ay kung hindi agad magpapatupad ng paraan upang masiguro ang suplay ng tubig sa Metro Manila, Angeles City, Baguio City, Cebu at Davao City
Binigyang diin ng grupo ang kahalagahan na magkaroon ang gobyerno, pribadong sektor at mga water stakeholders na mag usap at maglatag ng solusyon para sa nararanasang El Niño.
Kailangan anila na gumawa ng super agency na tututok sa usapin ng tubig sa bansa.
By Rianne Briones