Pinakakasuhan na ng Ombudsman ng katiwalian sa Sandiganbayan ang sinibak na PNP Chief na si Alan Purisima at 11 iba pang dating mga opisyal ng Philippine National Police o PNP.
Kaugnay ito sa pagpasok ng PNP sa maanomalyang kontrata sa pagitan ng werfast courier services noong taong 2011.
Ayon sa Ombudsman, kanilang ibinasura ang inihaing motion for reconsideration ni Purisima at ng iba pang respondents matapos mapatunayan na may probable cause para sila’y kasuhan.
Maliban kay Purisima, sabit din sa kasong graft sina dating C/Supt. Raul Petrasanta, Retire Police Dir. Gil Meneses, C/Supt. Napoleon Estilles, S/Supt. Allan Parreño, S/Supt. Eduardo Acierto at S/Supt. Melchor Reyes.
Kabilang din sa mga pinakakasuhan sina Supt. Lenbell Fabia, C/Insp. Sonia Calixto, C/Insp. Nelson Bautista, C/Insp. Ricardo Zapata Jr. at S/Insp. Ford Tuazon.
Kasama rin ang ilang opisyal ng Werfast na sina Mario Juan, Enrique Valerio, Lorna Perena, Julia Pasia at Salud Bautista na pangulo rin naman ng Philrem Services Incorporated.
By Jaymark Dagala | Jill Resontoc (Patrol 7)