Dapat daw tiyakin ng gobyerno na national no blackout day ang araw ng Eleksyon sa Lunes, Mayo 9, maging kinabukasan.
Ito ang panawagan ni Senador Ralph Recto.
Ayon kay Recto, maaaring humantong sa no elections sa mga lugar na mawawalan ng suplay ng kuryente.
Kapag nangyari iyon, mapagkakaitan ang ilang tao na makaboto at makapagpapatagal sa canvassing ng election returns.
Nababahala si Recto na maaaring gamitin sa pagsasabotahe ng eleksyon ang nararanasang rotational brownouts sa ilang lugar sa Mindanao.
Hinimok ni Recto ang mga awtoridad na masusing bantayan ang buong power system mula sa grid, tower, at distribution sa mga transport at malapit sa eskwelahan.
Magugunitang binomba noong Martes ang transmission tower ng Lanao del Sur.
By Avee Devierte | Cely Bueno (Patrol 19)