Pinangangambahang tumagal pa hanggang buwan ng Setyembre ang nararanasang tagtuyot sa Region 10 o Northern Mindanao.
Ayon sa Mindanao Regional Services Division ng PAGASA, sinasabing hanggang Hunyo mararanasan ang tagtuyot sa nasabing rehiyon batay sa kanilang pag-aaral.
Partikular na apektado ng matinding tagtuyot ang mga lalawigan ng Bukidnon, Camiguin, Lanao del Norte, Misamis Occidental at Oriental
Batay sa datos ng Department of Agriculture, pumalo na sa halos 60, 000 magsasaka ang umaaray na dahil sa matinding epekto ng El Niño.
Binubuo ito ng mahigit 28, 000 hectares ng maisan ang lubha nang nasisira dahil sa tagtuyot.
By: Jaymark Dagala