Nanawagan ang Pangulong Benigno Aquino III sa sambayanan na tumulong na matiyak ang maayos at malinis na eleksyon ngayong araw na ito.
Sinabi ng Pangulo na dapat gawin ang lahat ng paraan upang maging maayos ang halalan.
Binigyang diin ng Pangulo na karangalan niyang maging bahagi ng mapayapang pagsasalin ng kapangyarihan sa ilalim ng demokratikong proseso.
Tiwala ang Pangulo na magiging maayos din ang mga relasyong nagkaroon ng lamat at nasira dahil sa pagkakaiba ng pananaw sa pulitika.
Lahat aniya ay nakakapag desisyon sa demokrasya at sa huli pagkatapos ng halalan nawa’y matigil na ang bangayan at igalang at unawain ang anumang pasyang bunga nang pagsasama ng tinig ng mas nakakarami.
By Judith Larino