Inilunsad na kahapon ng COMELEC ang isang public website na magpapakita ng resulta ng May 9 elections.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, online na ang website nilang www.pilipinaselectionresult2016.com kapag nagsara na ang mga polling precincts alas-5:00 mamayang hapon.
Makikita aniya sa naturang website ang transmission mula sa vote counting machines sa presinto.
Kapag naka-log in na, makakapili ang Pilipino ng lugar kung saan mayroong official results na nai-transmit mula sa provincial level pababa sa precinct level .
Sinabi ni Jimenez na ang nasabing website ay mayroong progress bar na magpapakita ng actual percentage ng certificates of canvass na binilang ng COMELEC.
Gayunman, nilinaw ni Jimenez na ang mga data na makikita sa website ay hindi magagamit sa actual canvassing ng mga boto para sa pangulo at pagka pangalawang pangulo na gagawin naman sa kongreso
By Judith Larino