Pito katao ang arestado dahil umano sa vote buying sa mga bayan ng Marilao at Guiguinto para sa ilang kandidato sa Bulacan, kagabi.
Ayon kay Bulacan Provincial Police Director, Senior Supt. Romeo Caramat, 5 residente ang natiyempuhang may hawak na envelope na may cash habang papalabas ng compound ng isang mayoralty candidate, sa Guiguinto dakong alas-2:00 ng hapon.
Umabot anya sa P16,000 ang nakalagay sa brown envelopes na nasabat mula sa mga suspek.
Arestado naman sina Melinda Ventura at barangay tanod na si Jesus dela Cruz dahil sa pamimili ng boto para sa isang gubernatorial candidate.
Tinatayang P20,000 ang nakumpiska mula sa dalawa.
By Drew Nacino