Ibinaba na kaninang umaga ng Philippine National Police (PNP) sa heightened alert ang kanilang alerto.
Ayon kay Police Chief Supt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng PNP, babalik na din ngayong araw sa kani-kanilang mother units ang mga contingent mula sa iba’t ibang probinsya na idineploy sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Sa mahigit 500 pulis na nagsilbing election inspectors sa Mindanao, tanging ang 69 na pulis na nagsilbi sa nunungan, Lanao del Norte na lang ang hindi pa ipu-pull out.
Bagamat ibinaba na sa heightened alert, nakadepende pa din sa regional director kung ipagpapatuloy nito ang full alert status o magbababa na din ng alerto.
By Katrina Valle | Jonathan Andal (Patrol 31)