Sinimulan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang pag-iimpake bilang paghahanda sa pagbalik sa kanyang tahanan pagkatapos ng kanyang termino.
Sinabi ng Pangulo na tanging ang sound system nalang ang kanyang naiwan at ito ay kanya nalang itatago kapag natapos na ang kanyang termino.
Plano din ng Pangulo na i-treat ng pananghalian o hapunan ang kanyang gabinete sa kanyang huling araw bilang pasasalamat sa kanilang serbisyo.
Plans
May mga plano nang gagawin si Pangulong Aquino pagkatapos ng kanyang termino.
Sinabi ng Pangulo na wala siyang trabaho sa unang taon pagbaba sa pwesto kaya’t sasanayin niya ang sarili sa pagbabalik-normal na pamumuhay at makasama ang kanyang mga kapatid at mga pamangkin.
Ayon kay Aquino, may mga kumakausap na sa kanya para sa mga speaking engagement pagkatapos ng kanyang termino ngayong taon.
Bahagi rin ng plano ni Aquino na magbakasyon at libutin ang magagandang tanawin sa Pilipinas na napuntahan lamang niya ng maikling panahon sa kanyang pampanguluhang aktibidad.
Si Aquino ay mayroon na lamang halos isa at kalahating buwan na natitira sa kanyang termino at nakatakdang magtapos ito sa June 30, 2016.
By Katrina Valle | Aileen Taliping (Patrol 23) | Jelbert Perdez