Inilatag na ng economic team ng presumptive president na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang eight-point economic agenda ng susunod na administrasyon na may mas malaking epekto sa rural development.
Layunin nitong i-angat ang kalidad ng pamumuhay ng nakararaming mamamayan lalo ang mga nasa below poverty line.
Ayon kay dating Agriculture Secretary Carlos Dominguez, campaign finance committee head ni Duterte, kabilang sa 8 point agenda ang tax reforms; pagpapabilis ng infrastructure spending; paghikayat sa foreign investments; agricultural development; paglikha ng karagdagang trabaho at pagpapalawak sa conditional cash transfer.
By: Drew Nacino