Plano ni presumptive president Rodrigo Duterte na ibenta ang presidential yacht na BRP Ang Pangulo.
Ayon kay Duterte, ang perang makukuha mula sa pagbebentahan ng sa BRP Ang Pangulo ay mapupunta sa mga beterano ng digmaan, pagpapabuti sa mga pasilidad ng mga ospital at sahod ng mga doktor upang hindi na anila umalis pa ng bansa ang mga ito para sa mas mataas na kita.
Samantala, nais din ni Duterte na gawing air ambulance naman ang lahat ng mga naka-assign sa presidential airlift wing.
Matatandaang noong panahon ni dating pangulong Cory Aquino ay tinangka na ring ipagbili ang BRP Pangulo para sana putulin ang marangya at maluhong pamamalakad ng Marcos administration.
Gayunman, walang bumili noong panahong iyon sa BRP Ang Pangulo.
By: Ralph Obina