Inanunsyo ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ipatutupad nila ang interest rate corridor o IRC system sa susunod na buwan.
Ayon kay BSP Director of the Department of Economic Research Zeno Ronald Abenoja, layon ng implementasyon ng IRC system na mapahusay ang monetary policy at malimitahan ang interest rate volatility.
Kaugnay nito, sinabi ni BSP deputy governor Diwa Guinigundo na nakatakda nilang ilunsad ang bagong IRC system sa Hunyo 3.
Inaasahan ang full implementation ng nabanggit na bagong sistema sa ikalawang quarter ng taong ito.
By: MeAnn Tanbio