Inaasahang maghahain ng demand letter ang kampo ni Senador Bongbong Marcos sa Commission on Elections (COMELEC) ngayong tanghali.
Ayon kay Atty. Jose Amorado, head ng legal team ni Marcos, hihilingin nila sa COMELEC na buksan nito ang kanilang Network Operation Center o NOC sa mga independent IT expert para sa isasagawang full system audit.
Sinabi ni Amorado na ang system audit ang bukod tanging magbibigay tuldok kung ang question mark lamang ang pinalitan ng ñ sa hash code sa transparency server.
Samantala, dadalo ang kampo ni Marcos sa ikinakasang hearing ng Kongreso bukas, araw ng Huwebes kaugnay sa pagpapalit ng hash code sa transparency server ng poll body.
By Meann Tanbio