Hinimok ng mga militanteng kabataan si presumptive president Rodrigo Duterte na itigil ang implementasyon ng K to 12 Program ng Department of Education (DepEd).
Ayon kay outgoing Kabataan Partylist Representative Terry Ridon, dapat ay i-review ang full implementation ng K to 12 Program sa ilalim ng Duterte administration.
Umaasa naman si Partylist First Nominee Sarah Elago na isusulong ni Duterte ang libreng public school education sa lahat ng antas.
Sa ilalim ng K to 12 Program, magiging mandatory ang kindergarten, 6 na taon sa elementarya (grade 1 hanggang 6), apat na taon sa junior high school (grade 7 hanggang 10) at dalawang taon sa senior high school (grade 11 hanggang 12).
By Meann Tanbio