Naniniwala ang isang international cyber-security expert na North Korea ang posibleng nasa likod ng pag-hack sa 81 million dollar account mula sa Central Bank ng Bangladesh.
Ayon kay Retired Israeli Colonel Ram Dor, Founder at Chief Executive Officer ng R-Dye Cyber Security Company, may pagkakahalintulad ang naturang cybercrime sa pag-atake sa Vietnam.
Inatake anya ang Central Bank ng Bangladesh sa pamamagitan ng swift banking system tulad ng ginawa sa Vietnam.
Isang malware ang ginamit sa Bangladesh na kahalintulad ng software na ginamit din sa pag-hack sa Sony Pictures Entertainment sa Amerika noong 2014 dahilan upang maantala ang pagpapalabas sa pelikulang “The Interview.”
Kumbinsido rin si Dor na isang special operation ang isinagawa upang i-hack ang account ng Central Bank of Bangladesh sa Federal Reserve Bank of New York sa US kung saan inabot ng 2 taon ang pagplano.
By Drew Nacino