Naniniwala si Teacher’s Dignity Coalition Chairperson Benjo Basas na mas makakabuti ang pagpapasuot ng uniporme sa mga batang papasok sa paaralan.
Ipinaliwanag ni Basas na ito ay dahil matatanim sa isipan ng mga bata ang pagkakapantay – pantay sa buhay, dahil pare – pareho ang kanilang mga suot sa paaralan.
Maliban dito, sinabi din ni Basas na mas mahirapan ang mga awtoridad na tiyakin ang seguridad ng mga paaralan kung hindi nakasuot ng uniporme ang mga bata.
K to 12
Umaasa naman si Basas na makukumbinsi ni presumptive president Rodrigo Duterte ang Kongreso na pigilan ang pagpapatupad ng K to 12.
Ipinaliwanag ni Basas na dahil sa separation of power, hindi maaaring basta – basta iutos ng Pangulo ang pagpapahinto ng isang programa.
Sinabi ni Basas na bagamat sumalang sa training ang mga guro, kulang na kulang naman ang pasilidad ng mga paaralan para tugunan ang pangangailangan para sa senior high school.
Binigyang diin ni Basas na hindi lahat ng magulang ay naging maluwag ang pagtanggap sa dagdag na 2 taon sa high school dahil sa dagdag na gastos.
By Katrina Valle | Ratsada Balita