Handang harapin ni Tanauan Mayor Antonio Halili sakaling kasuhan siya ng Commission on Human Rights (CHR).
Kaugnay ito sa kanyang walk of shame o pagpaparada sa mga pinaghihinalaang kriminal nang may nakasabit pang karatula na nagsasabi kung anong krimen ang nagawa ng suspect.
Ayon kay Halili, napatunayan na nila na hindi epektibo sa pagpapatigil ng krimen ang batas kaya’t kinailangan na niyang magsagawa ng eksperimento.
Idinepensa ni Halili ang pagparada niya sa mga pinaghihinalaang kriminal na kinabibilangan ng mga menor de edad.
Ayon kay Halili, kalimitang ang mga menor de edad na kapamilya ng isang nakakulong na suspect ang ginagamit para ipagpatuloy ang kanilang masamang gawain tulad na lamang ng pagtutulak ng bawal na gamot.
Sinabi ni Halili na handa naman syang itigil ang walk of shame sa sandaling mapatunayan niya na hindi rin ito epektibo para mapiglan ang paglaganap ng krimen.
CHR
Sinimulan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang imbestigasyon sa ginawang pagparada ni Tanauan Mayor Anthony Halili.
Ayon kay Atty. Jackie de Guia ng CHR Region 4, nakapagpadala na sila ng quick reaction team sa Tanuan Batangas upang simulan ang imbestigasyon at kunin rin ang panig ni Mayor Halili.
Maaari anyang makasuhan si Mayor Halili ng paglabag sa karapatan sa due process ng mga akusado at pagturing sa kanila na inosente hanggat hindi nasesentensyahan ng korte.
Itinuturing rin anya ng Anti Torture Act na mental torture ang matinding pagpapahiya sa mga suspects.
By Len Aguirre | Ratsada Balita
Photo Credit: abs-cbn