Iprinoklama na ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga nanalong senatorial candidates sa nakalipas na May 9 elections.
Nanguna si Senate President Franklin Drilon na siya ring Vice Chairman ng Liberal Party na may kabuuang boto na 18, 607,391.
Hindi naman malayo sa kanya ang botong 18,459,222 ni dating TESDA Director Joel Villanueva na dati ring kinatawan sa kamara ng Cibac Partylist Group.
Ang mga kasamahan ni Drilon na sina incumbent senators Vicente “Tito” Sotto at Ralph Recto ay magsisilbi pa ng 6 na taong termino.
Muli namang na-reclaim ng apat na dating senador ang kanilang senate seats na kinabibilangan nina Ping Lacson, Migz Zubiri, Kiko Pangilinan at Richard Gordon.
Samantala, maliban naman kay Villanueva, kabilang sa mga baguhan sa roster ng senado ay sina outgoing representatives Manny Pacquiao at Sherwin Gatchalian, dating Akbayan Representative Risa Hontiveros at dating Justice Secretary Leila de Lima.
Samantala, hindi dumalo si Senador Tito Sotto sa proklamasyon ng mga nanalong senador na ginanap sa PICC.
Sa halip, ipinaubaya na lang ni Sotto sa kanyang abogado ang pagtanggap ng kanyang certification bilang pangatlo sa mga nanalong senador.
Si Sotto ay kasalukuyang nasa hongkong kung saan ito ay nagpapahinga bago magbalik ang sesyon ng senado sa Lunes.
Bukod kay Sotto, hindi rin dumalo sa proklamasyon si returning Senator Panfilo Lacson.
By Meann Tanbio | Allan Francisco | Cely Bueno