Apatnaraan at limampung libong (450,000) condoms ang ipapamudmod ng pamunuan ng Rio Olympics sa may 10,500 atleta na lalahok sa Rio Olympics sa Brazil.
Hindi pa man nagsisimula ang Olympics ay maituturing nang record ang tinatayang 42 condom na maibibigay sa kada atleta o tatlong beses na mas marami kumpara sa mga ipinamahaging condoms sa London Olympics.
Kabilang rin sa ipamamahagi ang mga condoms na para sa mga babaeng atleta.
Ayon kay Lucas Dantas, Spokesman para sa Rio 2016 Committee, ang pamamahagi nila ng maraming condoms ay bahagi ng kampanya ng Brazil sa Aids prevention.
Makukuha ng mga atleta ang condoms o little shirt of venus para sa Brazil, sa 41 dispensers sa Olympic Village na inihanda ng Ministry of Health ng Brazil.
By Len Aguirre