Dumipensa ang jury members ng 69th Cannes Film Festival sa pagkakapili kay Jaclyn Jose bilang best actress sa pagganap nito sa pelikula ni Brillante Mendoza na ‘Ma Rosa’.
Ayon sa artikulo ng Indie Wire, may ilang kritiko kasi na nagsasabing hindi karapat-dapat sa best actress award si jaclyn dahil sa kanilang pananaw ay pang supporting role lamang ang karakter nito sa pelikula.
Pero, iginiit ng isa sa mga hurado na si veteran hollywood actor Donald Sutherland na mali ang mga kritiko ni Jaclyn.
Ito ay dahil sa big time leading role aniya ang ginampanan at naging pagganap ni Jaclyn sa naturang pelikula.
Sa katunayan, sinabi ng isa pang miyembro ng jury na si Arnaud Desplechin na nadurog ang kanyang puso sa paraan ng pag-arte ni Jaclyn.
Matatandaang mga bigating pangalan sa pelikula ang tinalo sa best actress award ni Jaclyn Jose gaya ng hollywood stars na sina Charlize Theron at Kristen Stewart at French actresses na sina Isabelle Hupert at Marion Cotillard.
By Ralph Obina