Hinimok ni Chief government negotiator Miriam Coronel-Ferrer ang susunod na kongreso na ipasa na ang Bangsamoro basic law habang naghahanda sa pederalismong uri ng gobyerno.
Ayon kay Ferrer, maaring magtulungan ang pederalismo at Bangsamoro basic law.
Una nang sinabi ni Davao del Norte representative Pantaleon alvarez na pagtutuunan ng Duterte administration ang pederalismo.
Tutugon, aniya, iyon sa mga probisyon ng comprehensive agreement on the Bangsamoro na siyang kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front.
By: Avee Devierte