Sinimulan nang ipatupad ng Philippine Coast Guard ang mga pro-active measures bilang paghahanda sa tag-ulan.
Inatasan na ni PCG Commandant, rear admiral William Melad ang lahat ng coast guard unit sa buong bansa na maghanda matapos ang babala ng pagasa na asahan na ang malakas na pag-ulan sa mga susunod na araw o buwan bunsod ng La Niña phenomenon.
Kabilang sa mga naka-antabay ang mga rescue unit gaya ng disaster response and quick reaction teams na binubuo ng divers, paramedics, rescue swimmers at K-9 units.
Tututukan din ang inspeksyon sa lahat ng passenger vessel partikular ang bilang ng mga mananakay maging ang fishing community.
Samantala, inatasan din ang mga coast guard unit na makipag-ugnayan sa mga government agency tulad ng national disaster risk reduction management council, Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at Philippine Red Cross.
By: Drew Nacino