Inilipat na mula sa Senado patungong kamara ang mga ballot box na naglalaman ng mga election returns at certificate of canvass para sa presidential at vice presidential race sa nagdaang eleksyon.
Ang nasabing mga ERs at COCs ang gagamitin ng mataas at mababang kapulungan ng kongreso para sa gagawin nilang canvassing na magsisimula ngayong linggong ito.
Isinakay ang ballot boxes sa walong 6×6 trucks ng Philippine Army na nag-convoy mula sa senado patungong House of Representatives.
Bawat truck ay mayroong sundalo na nakabantay sa mga ballot box.
Nasa unahan ng convoy ang isang Armored Personnel Carrier (APC) mula sa Mechanized Infantry Fivision ng 2nd Cavalry Squadron ng Philippine Army na naka-base sa Tanay Rizal.
Mayroon ding karagdagang dalawang naka-standby na 6×6 trucks sa kasagsagan ng pagbiyahe upang magamit sakaling isa sa walong may lulan ng ballot boxes ang magkaproblema.
Bago mag alas 6:00 ng umaga nang dumating sa kamara ang convoy.
By: Ralph Obina