Ipinagtataka ni retired Archbishop Oscar Cruz kung ano ang pinaghuhugutan ni presumptive president Rodrigo Duterte at matindi ang galit nito sa mga taong simbahan.
Sa panayam ng DWIZ, ipinaliwanag ni Cruz na kung ang ikinagagalit ng susunod na pangulo ng bansa ay ang mga pastoral letter o iba pang pahayag ng simbahan bago ang eleksyon, hindi naman aniya dapat tamaan doon si Duterte dahil sa wala naman aniya silang pinapangalanang kandidato sa kanilang mga sermon.
Binigyang diin ni Cruz na tungkulin ng simbahan na gabayan ang mga botante sa kung ano ang mga katangian dapat tignan sa pagpili ng mga susunod na lider ng bansa.
Ipinaalala pa ng arsobispo na tuwing eleksyon ay ginagawa naman nila ito kaya’t hindi aniya tamang personalin sila ni Duterte.
By: Ralph Obina