Nagpasalamat ang Blas F. Ople Policy Center sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at ilang personalidad na tumulong para makauwi sa bansa ang OFW na si Jonard Langamin matapos makaligtas sa parusang kamatayan sa bansang Saudi Arabia.
Ayon sa tanggapan ng Ople Policy Center, malaki ang naitulong sa kanila ng Department of Foreign Affairs o DFA , embahada ng Pilipinas sa Riyadh at Office of the Vice President upang tuluyang mapalaya ang nasabing pinoy OFW.
Kaugnay nito, sinabi ni Susan Toots Ople, ang pinuno ng nasabing OFW group advocate na ngayong araw ay magtutungo si Langamin sa ama ng kanyang napatay sa Saudi upang personal na humingi ng tawad at magpasalamat.
By: MeAnn Tanbio