Ire-respeto ng Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) ang magiging desisyon ni Manny Pacquiao habang palapit ang deadline sa submission ng entries sa huling olympic qualifier sa Baku, Azerbaijan.
Ayon kay ABAP president Ricky Vargas, malaking karangalan na ang dinala ni Pacman sa bansa.
Inilabas ni Vargas ang statement tatlong araw bago ibibigay ng Abap ang official lineup sa Baku organizers.
Kung hindi umano makakatawan ni Pacquiao ang Pilipinas, iimbitihan siya ng ABAP para panoorin na lamang ang Filipino boxers sa Rio.
Sinabi naman ni ABAP executive secretary Ed Picson na bagama’t puwedeng maging wildcard si Pacquiao sa Rio, kung magde-desisyon ang boksingero ay malamang na dadaan ito sa Azerbaijan olympic qualifying tournament.
By: Mariboy Ysibido