Inihahanda na ng Department of Health (DOH) ang kanilang Dengue prevention strategies ngayong nagsimula na ang tag-ulan.
Ayon kay Health Secretary Janette Garin, nagsagawa na sila ng school-based Dengue vaccinations sa National Capital Region o NCR, Regions 3 at 4a.
Sa datos ng DOH noong nakaraang buwan lamang, hindi bababa sa dalawang daang libong estudyante ang nabakunahan kontra Dengue.
By: Meann Tanbio